Istirero!!!

College: The Waterproof Life

• May 17, 2013 - 4797 Reads - 29 Comments


Malamang at this point nakapag-enroll ka na sa college na papasukin mo. Matatapos na ang bakasyon, tapos na ang long goodbye sa mga kaklase mo noong high school, itinago mo na ang high school uniform mo sa aparador, at ready ka nang pumasok sa next chapter ng buhay mo.

Welcome to college! Welcome to the waterproof life!

Ang college ay kakaiba sa high school. Ibang-iba. Sa high school, ang dami mong bantay para tumino ka, pero sa college, you’re on your own. Wala ng mga “section” tulad ng 4th year Rizal, o di kaya IV-Kampupot, “block” na ang tawag sa grupo mo. Pero sa block, wala nang pakialaman yan, magkakasama lang kayo dahil pareho ang schedule nyo. Wala na kayong classroom na lalagyan ng mga cut-out na design at baduy na quotations, at wala na rin kayong class adviser na uutuin at bibigyan ng alibi kung bakit kayo late.

Ito na ang panahon na makakaexperience ka na may mga blockmates ka na magdo-drop dahil sa bagsak na grades, mga schoolmates ka na kakilala na nasira ang buhay nila dahil sa nag-adik at mga schoolmates na magda-drop dahil nabuntis ng maaga. Dasal ka ng mabuti na hindi maging ikaw ang isa sa mga iyon.

Sa mga nagtatanong sa akin, oo, mas mahirap ang college kesa sa high school. Kasi sa high school yung mga teachers mo pwede pang magbigay ng “considerations” sa iyo. Sa college, neknek mo. Nung high school ka, kaunting ulan lang, class suspended na, pero sa college, hindi ka lang inaasahan na waterproof, kailangan, amphibious ka pa.

You’re on your own, kid.

Pero college is not that all bad. Actually, magiging memorable sa iyo ang college kasi ito ang unang pagkakataon na marerealize mo na di ka na bata. Isa ka nang ganap na “adult.” Kung makakakita ka ngayon ng isang high school na estudyante, ang tingin mo na sa kanila ay mga bata. Pustahan tayo, kapag bumisita ka sa high school alma mater nyo, baka suot-suot mo pa ang college uniform mo, o di kaya yung jacket ng college mo, at pag naglakad ka sa campus feeling celebrity ka na. By the way ha, walang problema bumisita sa high school alma mater mo from time to time, kaso kung every two weeks ay nandun ka, napaka-loser na nyan ha. Mag-move on ka na, huy.

Mas masarap na rin ang love life sa college. Kasi nga, mas may freedom na kayo. Pwede na kayong mag-ala Romeo and Juliet sa campus nyo dahil wala ng prefect of discipline na magkokontra-bida sa inyo. Mas exciting na rin ang schedule sa college kasi unlike nung high school, hindi dere-derecho ang klase mo. Ma-eexperience mo na ang pinakamasayang subject sa college: ang vacant. Pag vacant, pwede kang lumabas ng campus at manood ng sine, o gawin ang kahit anong gusto mong gawin. Dati nga naalala ko, yung isang subject ko 7:00am-8:30am tapos ang susunod na klase, 4:00pm na. Sa simula masaya, pagkatapos ng dalawang linggo, parusa na.

Pero alam natin, ang dahilan kaya ka nag-college ay para matuto ka. Kaya wag masyadong pumorma at maglandi. Mag-aaral ka at hindi ka mag-aartista. Dapat targetin mo ang maging Magna. Yung iba kasi imbis na Magna cum laude, Magna-nine years ang nangyari. Anyway, dahil andito na rin ako, i-share ko sa iyo ang mga tips para i-enjoy mabuti ang college life:

1. Wag maging #medyobadboy sa college. Ano ibig sabihin nito? Ganito:

“Wala namang recitation bukas, di ko babasahin yung readings.” #medyobadboy

“Sa Friday ang deadline? Ok, sa Friday na ‘ko magpapass.” #medyobadboy

“6 ang maximum absences allowed? Limang beses ako aabsent.” #medyobadboy

“5 pages ang minimum? 5 lang gagawin ko, double spaced.” #medyobadboy

“Mahal mo naman ako diba? At tayo lang naman ang makakaalam.” #medyobadboy #medyomalandi #medyomabubuntisto

2. Sumali sa mga “orgs” (organizations) sa college. Oo naman, boring kasi ang college life kung wala kang mga orgs na sinalihan. Remember, sabi ng isang sikat na Philosopher na si Aristotle na, “Man is a social animal.” Anong ibig sabihin nito? Sabi ni Aristotle, hayop ka. Pero at least sosyal. At ang hayop, dapat ilagay sa zoo. Ang orgs ay ang zoo ng college. Pero, dapat piliin mo ng mabuti yung org na sasalihan mo, dapat pareho ng hilig at level ng kabaliwan ang sasalihan mo. Pero ha, huwag kalimutan: “Acads acads din ‘pag may time.”

3. Maging handa sa hell week. Hay, ang hell week. The final weeks before the paradise of vacation (or sembreak). Hell week: Hassle sa muscle. Stress sa chest. Pain sa brain. Ito yung panahon na nagiging Smart at Globe yung professors nyo. Unli-tests, unli-requirements, unli-submissions. Naalala ko, ang hell week ko noon nagkataon Holy Week nagkasabay, tapos yung isang exam namin, black saturday pa nangyari. Sabi ng professor namin: “Okay class, we will have our exam on Black Saturday. Patay si Jesus. No one will save you.”

4. Huwag shift ng shift. Siguro isang beses, no problem kasi nga, nangangapa ka pa noon. Pero more than once? Ano to ‘teh, buffet? Lahat gusto mong i-try? At ito ang isipin mo: Kaya ka magshishift ay dahil narealize mo na hindi para sa iyo ang kurso na iyon at wala kang future dyan. Kaso kung magshi-shift ka lang dahil nahihirapan ka sa exams and all, isang malaking kabobohan iyan. Who told you life will be easy? Ay mahirap trabaho ko, shift. Ay mahirap pakisamahan ang asawa ko, shift. Ay mahirap ang buhay ko, shift. Sige talon ka sa tulay.

5. Mag-aral naman please. Guys, kaya ka nandiyan ay dahil naghirap ang magulang mo magtrabaho para magka tuition fee ka. Gusto nila magkaroon ka ng mabuting kinabukasan. Pero kung hindi ka isang Zobel, Ayala, o Sy wala kang dahilan para sayangin ang edukasyong pinaghirapan sayo ng magulang mo. Huwag kang magfeeling rich, kahit ang tropa mo rich. Ang mga may karapatan lang magbulakbol at maglandi ay yung mga mayayaman. Sad reality, but you know why? Kasi kung pumalpak sila sa buhay nila, andiyan si Daddy at si Mommy nila na magre-rescue sa kanila. E ikaw? Pa-rescue ka rin sa mga rich parents nila? Nga-nga ka lang. Matuto sa mga nangyari sa iba. #dapattama

keep-calm-and-leave-comment

*****

Thank you to the amazing people at the Facebook Group, Overheard at UP and their twitter feed, @OverheardAtUP for some of the materials used in this essay.

*****

share

Share Button
p5rn7vb
Leave Yours +

29 Comments

  1. thanks for posting this kind of blog ‘coz it inspire me lalo na po ngayon na baguhan ako sa college at wala akong kaalam-alam..actually before, I’m quite nervous ’bout what’s gonna happen to me there but after reading this I slowly understand how a college life a challenging stage of schooling for me and I think I need to be ready enough to face all the challenges that comes as I go further.. hoping and praying to have a best college life ! :D

Leave a Reply

* Required Fields.
Your email will not be published.